Pagbaba sa presyo ng LPG, ipatutupad ngayong araw

Ipatutupad ngayong araw ang bigtime rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Ayon sa Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association (LPGMA), papalo sa P3 ang bawas sa kada kilo ng lpg o P33 sa kada 11-kilogram na tangke.

Dahil dito, na naglalaro na ngayon sa P460.00 ang presyo o Suggested Retail Price (SRP) ng kada tangke ng LPG.

Sinabi ni LPGMA Party-List Rep. Arnel Ty, isang senior member ng House Energy Committee, posibleng bababa pa raw ang presyo ng LPG at produktong petrolyo sa mga susunod linggo o buwan.

Speak Your Mind

*