Pagbabayad ng buwis ng mga self-employed, dapat gawing mas simple

Income Tax Return

Hinikayat ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang Bureau of Internal Revenue (Bir) na gawing simple ang proseso ng paghahain ng income tax return.

Ito anya ay upang mahikayat ang mga maliliit na negosyante at self-employed na mas maraming bilang mula sa kanilang hanay na magbayad ng buwis.

Dagdag pa ng senador na hindi lamang ang pagpapababa ng income tax rate ang kailangan para maengganyo ang mga mamamayan na magbayad ng buwis, kundi maging ang pagpapadali ng proseso ng pagbabayad.

Dahil sa sobrang mabusisi ang kasalukuyang proseso ng pagbabayad ng buwis, maraming self-employed ang karaniwang hindi nag-paparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Speak Your Mind

*