Pagbagsak ng isang Russian Plane sa South Sudan, 36 ang patay

Umabot na sa tatlumpot anim ang patay matapos bumagsak ang kate-take off lamang na eroplano sa Juba, South Sudan.

Ayon kay South Sudan Red Cross Official Majju Hillary, patuloy na tinatanggal ng mga pulis at rescue workers ang katawan ng ilang biktima sa Russian-Built Antonov AN-12 cargo plane na bumulusok sa isang farming community sa white nile river..

Sa inisyal na report ng mga otoridad, ilang minute pa lamang na nakapag-takeoff mula sa paliparan ang eroplano nang pamansin nilang huminto ang pagtakbo ng mga makina ng Antonov-12.

Kaagad na nagliyab ang eroplano nang ito’y bumagsak sa bahagi ng ilog.

Base sa report, ang eroplano ay patungo sa Northern Upper Nile State nang bumagsak 800 metro lamang mula sa Juba International Airport Runway.

Matatandaang noong isang linggo ay isang Russian Plane na pag-aari ng Metro Jet ang bumagsak kung saan ay patay ang lahat ng 224 na pasahero nito.

Speak Your Mind

*