Pagbibigay ng 13 month pay, ipinaalala ng DOLE-Dagupan

Nagpaalala ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kompanya kaugnay ng pagbibigay ng 13 month pay sa mga empleyado.

Ayon kay Engracio Bailo, ang district officer ng DOLE-Central Pangasinan maski ang mga  tinanggal o nag-resigned na mga empleyado ay entitled sa 13 month pay kahit isang buwan lang ang serbisyo.

Nakasaad sa Presidential Decree 851 na lahat ng empleyado ay may karapatang makatanggap ng 13 month pay, liban lamang sa mga manggagawang binabayaran lamang sa pamamagitan ng commission o cash basis.

Gayunman depende naman sa mga kompanya kung bibigyan ang mga ito ng 13 month pay.

Para matiyak naman na sumusunod ang mga kampanya sa kautusan ay kinakailangang magsumite ang mga ito ng report sa DOLE kaugnay ng pagbibigay ng 13 month pay sa kanilang mga empleyado.

Speak Your Mind

*