Pagdinig sa kasong graft ni OMB Chairman Ronnie Ricketts, sisimulan na

Sisimulan na ng Sandiganbayan ang pagdinig sa kasong graft na kinakaharap ni Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts at ng apat na iba pa sa Pebrero sa susunod na taon.

Ayon kay Sandiganbayan Fourth Division Chairman Associate Justice Jose Hernandez, sisimulan ng korte ang paglilitis sa Pebrero a-kinse at a-disi sais.

Nag-ugat ang nasabing kaso laban kina Ricketts at apat na iba pa sa umano’y mishandling sa kanilang kinumpiskang piratang DVD at VCD noong 2010.

Kasama sa mga akusado sa naturang graft case sina OMB Executive Director Cyrus Paul Valenzuela, OMB Enforcement and Inspection Division (EID) Head Manuel Mangubat, EID Investigation Agent Joseph Arnaldo, at EID Computer Operator Glenn Perez.

Una nang naghain ng not guilty plea si Ricketts at ang kanyang mga kasama sa kaso.

Speak Your Mind

*