Paggawa ng mga produkto na gawa sa water lily, ilulunsad sa Dagupan

Tiniyak ng Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) na sapat ang water lily sa siyudad para sa planong livelihood program ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa mga kababaihan.

Sa panayam ng sonshine radio kay Ronald de Guzman, ang OIC ng CDRRMC at City Waste Management Division ay sinabi nitong walang problema sa water lily dahil umaagos papuntang dagupan ang mula sa upstream municipalities.

Sinabi ni de Guzman na maraming water lily sa Lake Inarangan sa barangay Malued lungsod ng Dagupan.

Ang pagsusulong ng nasabing programa ay paraan na rin para mabawasan ang nakokolektang volume ng basura ng siyudad at malinisan ang kailugan.

Ayon kay de Guzman ang mga produktong magagawa gamit ang water lily bilang materyal ay tulad ng tsinelas, sandals, bags at pamaypay.

Speak Your Mind

*