Paggunita ng undas sa Cabanatuan City, Generally peaceful

Generally peaceful ang paggunita ng undas sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Senior Inspector Ronnie Caagbay, ang Deputy Chief of Police ng siyudad, nakatulong sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan ang pagpapakalat ng miyembro ng police.

Ang mga ito ay itinalaga sa mga sementeryo, Action centers, at pagmamando ng trapiko katuwang ang DPWH at mga Civic groups.

Kinikilala naman ng otoridad na malaki rin ang naitulong ng libreng pailaw ng Cabanatuan Electric Corporation (CELCOR) sa labing tatlong sementeryo sa siyudad para mabantayan ang posibleng pag-atake ng magnanakaw.

Speak Your Mind

*