Paggunita ng undas sa Pangasinan, generally peaceful

Ilang insidente ng nakawan ang naitala ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) nitong Undas.

Ayon kay Senior Supt. Rolie Saltat, ang OIC Provincial Director ng PPPO, base sa record may naganap na tatlong insidente ng robbery, theft at may nag-report na nanakaw naman ang kanyang motorsiklo.

Ang robbery incidents ay naganap sa mga bayan ng Mangaldan, Malasiqui at Mapandan.

Samantalang ang insidente naman ng theft ay naitala sa mga bayan ng Manaoag at Sison. nahuli naman ang mga kawatan.

Dagdag ni Saltat na mayroon ding nag-report na ipinarada nito ang kanyang motorsiklo at nang binalikan ito ng may-ari ay wala na ang sasakyan.

Giit ng OIC PD, na sa kabuuan naman ay naging generally peaceful ang paggunita ng undas sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*