Paghahanda sa trapiko kaugnay ng idaraos na APEC Summit sa bansa, inilatag na

Nakalatag na ang mga paghahanda para sa gaganaping APEC Economic Leaders Summit sa bansa sa Nobyembre a-disisyete hanggang a-disi-nueve.

Kaugnay nito, tanging mga rehistradong sasakyan lamang ng APEC Ecomic Leaders ang maaaring dumaan sa special lanes sa kahabaan ng Edsa at Roxas Boulevard simula a-disisais hanggang a-beinte nang buwang kasalukuyan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na magkakaroon ng traffic re-routing scheme malapit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay kung saan gaganapin ang Summit.

Ipapatupad din ang total truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Edsa, Bonifacio Global City, Ortigas Center at Makati Business District.

Ayon pa kay Lacierda, ang mga pagbabagong ito ay ginagawa para sa kapakanan at seguridad ng bawat lider na kasama sa APEC.

Humihingi rin ng pang-unawa ang malakanyang sa publiko para sa ganitong mga pagbabago dahil nakataya anila rito ang reputasyon ng bansa bilang prime tourism at business destination.

Speak Your Mind

*