Pagkakapili kay Bobby Ray Parks sa 2015 Rookie Draft sa NBA D-Leauge, inulan ng pagbati

Umuulan ng pagbati ngayon sa social media mula sa mga pinoy basketball fans matapos ma-Draft si Bobby Ray Parks Jr. ng isang NBA D-League Team.

Napili si Parks bilang 25th overall pick ng Texas Legends sa 2015 rookie draft sa D Leauge.

Una sa mga bumati ay ang legendary coach na si Nick Van Excel at team president ng Texas Legends na Malcolm Farmer sa pagkakakuha nila kay Parks.

Naniniwala si Van Exel na naglaro ng 13 seasons sa NBA, na posibleng maging leader si Parks sa locker room.

Ang anak ng dating PBA Hall of Famer Bobby Ray Parks Sr., ay ang ikalawang Filipino na lalahok sa D-League matapos mapili ng Sta. Cruz Warriors si Japeth Aguilar noong 2012 draft.

Si Parks ay dating two-time UAAP MVP na may average na 3.0 points, 1.7 rebounds, at 10.5 minutes sa NBA summer league.

Speak Your Mind

*