Pagkakaroon ng handheld radio sa mga barangay sa Binalonan, ipinanukala

Mahalaga ang pagkakaroon ng radio communication sa 24 barangay sa bayan ng Binalonan, Pangasinan

Sinabi ni Police Chief Inspector Oliver Abayan, ang hepe ng Binalonan PNP na ipinanukala na niya sa alkalde na kung maaari ay magkaroon ng tig-isang handheld radio ang bawat barangay.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni abayan na malaking tulong ang radio communication kapag may umatakeng masamang elemento sa isang lugar.

Paliwanag nito na kapag itinawag sa radio ang isang impormasyon, halimbawa naganap na krimen ay agad na aalerto ang mga opisyales ng barangay at komunidad dahil mamomonitor nila ang insidente.

Kinakailangan rin aniya na mataas ang frequency ng handheld radio para kahit sa bulubunduking barangay ay abot pa rin ang signal.

Speak Your Mind

*