Pagluluto ng pinakbet sa kawa, pangunahing atraksyon sa 2016 Villasis Town Fiesta

Handang-handa na ang mga aktibidades para sa 2016 Villasis Town Fiesta.

Ang kapiyestahan ng bayan ay mula Enero a-onse hanggang a-bente.

Sa umaga ng Enero 11 ay pormal na bubuksan ang trade fair at sa gabi ay magaganap ang thanksgiving night.

Kinabukasan naman ay ang espesyal na araw para sa mga magsasaka.

Ilan sa mga pangunahing aktibidades ay magaganap sa Enero a-kinse na kinabibilangan ng cooking pinakbet sa kawa, talong cookfest, street dancing at calisthenics competition.

Sa susunod na mga araw ng pagdiriwang ay tampok naman ang parada, balikbayan night, fun run, mountain bike challenge, gaya mo look-like mo contest, yugyugan group dance contest at toda night.

Speak Your Mind

*