Pagpapalakas ng industriya ng bawang sa Ilocos Norte, tinututukan

Aabot sa isang daang magsasaka sa mga bayan ng Pinili at Pasuquin sa lalawigan ng Ilocos Norte ang nabigyan ng Garlic Subsidy.

Gagamitin ng mga magsasaka ang buto ng bawang para sa kanilang pagtatanim ngayong Nobyembre para makamit ang hangarin ng probinsya na mapaunlad ang kalidad at patuloy ang production ng nasabing produkto.

Ayon kay Edwin Carino, ang head ng Special Project Development Office  ang pamimigay ng buto ng probinsya ay bilang tulong sa mga magasaka dahil malaki ang pangangailangan sa bawang sa buong bansa.

Mayroong kasunduan ang probinsya at mga magsasaka na tumanggap ng buto na ibabalik rin nila ito, na pareho ang kalidad ng buto sa provincial government para muling maipamahagi sa ibang grupo ng magsasaka para sa susunod na planting season.

Ang industriya ng bawang sa Ilocos Norte ay humihina sa loob ng ilang taon dahil na rin sa kakulangan ng de kalidad na seed stocks at ang pagpasok ng smuggled na bawang sa merkado.

Ngayon naman ay pinapalakas ito ng Provincial Government katuwang ang mga partner agencies.

Speak Your Mind

*