Pagpapanatili ng kalinisan sa baratilyo, ipinayo ng Dagupan City WMD

Hinihiling ngayon ng Dagupan City Waste Management Division (WMD) sa mga nagtitinda sa baratilyo sa Galvan Street na panatilihin ang kalinisan sa lugar.

Binigyang diin ni Ronald de Guzman, ang Officer-In-Charge ng WMD na dapat sa isang stall ay mayroong walis, dustpan at basurahan.

Paki-usap nito sa mga negosyante na kung may nakitang kalat sa tapat at loob ng kanilang pwesto ay agad itong pulutin.

Ayon kay De Guzman ang pagpapanatili ng kalinisan sa mga pwesto ay isang bagay na nakakahikayat sa mga mamimili.

Speak Your Mind

*