Pagpaparenta sa mga stalls sa Pasalubong Center, aprubado na

Maaari nang parentahan ng lokal na pamahalaan ng pangasinan ang mga stalls sa loob ng Capitol Tourist Assistance and Pasalubong Center (CTAPC) na matatagpuan sa Lingayen Beachfront.

Ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Provincial Resolution 1698-2015 na nagbibigay kapangyarihan kay Gov. Amado Espino Jr. na pumasok at pumirma ng kontrata sa mga nagnanais mangupahan ng stall sa Pasalubong Center.

Sinabi ni Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim Jr., ang may akda ng resolusyon na kinakailangang magamit ang lahat ng propriedad ng provincial government para mapakinabangan.

Ang nasabing resolusyon naman ay inendorso sa Provincial Legal Officer at iba pang kinauukulang opisina ng probinsya na magsasagawa ng kaukulang pag-talakay.

Speak Your Mind

*