Two-child policy sa China, ipapatupad ng Health Commission

One Child policy China

Ipapaubaya na ng National Health and Family Planning Commission ng China ang detalye ng pagpapatupad ng kanilang bagong two-child policy sa kanilang mga probinsya.

Sa online statement na inilabas ng Komisyon, sinabi nitong dapat munang maaprubahan ng mga otoridad ang mag-asawang maku-kwalipika para magkaroon ng ikalawang anak.

Tiniyak din ng ahensyang hindi maapektuhan ng two-child policy ang strategic environmental resource goals ng China sa kabila ng kakulangan sa resources.

Siyamnapung milyong mag-asawa ang kwalipikado sa bagong polisiya.

Matatandaang isang dekada ring ipinatupad ng China ang kanyang one-child policy.

Speak Your Mind

*