Pagpasa sa pagtapyas sa income tax, inapela sa mga oposisyon sa Kamara

Bilang pagpapakita ng malasakit sa mga manggagawa , hinamon ng mga kongresista ng oposisyon ang kapwa mambabatas na tugunin ang panawagan na maipasa ang panukala sa pagbaba ng income tax rates ng mga manggagawa.

Ayon kay Independent Minority Bloc at Leyte Representative Martin Romualdez, isang malaking usapin ang pagbibiwis at daapat maipakita ang constitutional power ng mga ito para mai-override ang presidential veto sakaling igiit pa rin ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino ang kaniyang pagtutol .

Ito ang magpapatunay na ang lehislatura ay hindi rubberstamp ng malakanyang.
Ipinalaala ni Romualdez ang kapangyarihan nilang i-veto ang anumang desisyon ng Pangulo sa pamamagitan ng 2/3 votes.

Iginiit naman ng mga kasapi ng minorya sa kamara na may sapat pang panahon upang maipasa ang panukala para sa pagbabang income tax rates ng mga manggagawa.

Inihayag ni Deputy Minority Leader Silvestre Bello III ang mga kongresista na ang panukala sa pagbubuwis ay malaking tulong na magagawa sa publiko ay marapat silang magkaisa sa kamara upang ito ay maipasa .

Giit naman ni Cong. Neri Colmenares, kung naipasa ng kongreso ang panukala ay pananagutan na ito ng pangulo kung ito ay kanyang i veto ay hayaan ng ito ay managot sa bayan.

May sapat pa anilang panahon upang ito ay maipasa.

Speak Your Mind

*