Pagsasa-ayos ng mga sinira ng bagyong Lando sa Pangasinan, Ikinakasa na

Handang-handa na ang Pangasinan Provincial Government, na isaayos ang mga na-danyos na imprastraktura at mga pananim sa pananalasa ng bagyong Lando.

Una nang naitala ng umabot sa 3.5 bilyon pisos na pinsala ng bagyong Lando sa Pangasinan sa imprastraktura, agrikultura at kabahayan.

Ayon kay Provincial Risk Reduction and Management Officer Rhodyn Luchinvar, ang pondong gagamitin ng probinsya para sa rehabilitasyon ay ang 30 porsyento para sa quick response at post disaster rehabilitation na mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund.

Kabilang sa popondohan ay ang mga nasirang provincial at barangays roads, gusali ng paaralan, barangay halls, pati na rin mga dike, irrigation systems at drainage canals, gayundin ang mga pasilidad ng Capitol complex at ng Narciso Ramos Sports and Civic Center.

Mayroong ding inilaang pinansyal na pondo sa mga inidibidwal partikular na sa mga magsasaka na nadanyos ang kanilang mga paniman na kinabibilangan ng palay, mga gulay, mais, palaisdaan at livestock.

Aminado naman ang PDRRMO, na limitado ang budget ng probinsya para sa rehabilitasyon kaya hihingi ito ng tulong sa National Government.

Speak Your Mind

*