Pagsasad ng isang eroplano sa Pakistan, sampu katao ang sugatan

Sugatan ang aabot sa sampung pasahero makaraang sumabog ang sinasakyang eroplano habang pababa sa Allama Iqbal International Airport sa bansang Pakistan.

Sa ulat, agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima na idineklarang ligtas na sa kapahamakan habang nabalot naman ng takot ang mahigit sa 150 pasahero ng Karachi-Lahore Flight NL-142.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang aksidente nang sumabog ang isang gulong ng domestic Shaheen Air International Flight nang magsagawa ito ng emergency landing.

Bago ang aksidente, tumawag ng tulong ang piloto ng eroplano dahil sa pagkakaroon ng problema sa landing gear nito.

Dahil dito ay sumadsad ang ilalim ng eroplano sa Lahore Runway kung saan nasira ang fuselage at agad sumiklab ang apoy pero mabilis namang nakalabas ang mga pasahero ng eroplano.

Naging mabilis naman ang pagresponde ng mga otoridad kung kaya’t agad na naapula ang sunog.

Speak Your Mind

*