Pagsipa ng hanggang P7 kada kilo ang presyo ng baboy, inaasahan

Posibleng sumipa sa hanggang P7 kada kilo ang presyo ng baboy sa panahon ng kapaskuhan.

Ito ay bunsod ng nakaambang pork holiday na ikinasa ng mga local hog raiser dahil sa pagkalugi umano ng mga ito sa pagiging maluwag ng Department of Agriculture (DA) sa pagpasok ng mga imported na karne sa bansa.

Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na paiigtingin nila ang pagbabantay sa presyo ng baboy dahil malamang na samantalahin ng mga nagtitinda ng karne ng baboy ang pagtataas ng presyo dahil sa banta ng pork holiday ng mga local hog raisers.

Pero apela ng DA, na dapat idaan ang isyu sa mabuting usapan at nagtakda na sila ng dialogo sa Swine Development Council (SWC) at ilan pang local hog raisers upang huwag maisakripisyo ang mga mamimili.

Speak Your Mind

*