Pagsunod sa orihinal na alignment ng TPLEX, iginiit ng SP Pangasinan

Nagpahayag ng suporta ang Provincial Board ng Pangasinan sa orihinal na panukalang rota para sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Base sa Provincial Resolution Number 1617-2015, hinikayat ng mga Board Member ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at TPLEX Builders na huwag nang palitan ang orihinal na alignment ng TPLEX.

Hindi sinang-ayunan ng mga bokal ang new realignment na panukala ni dating fifth district Congressman Mark Cojuangco.

Sa ngayon ay ang contractors ng proyekto pati na rin ang DPWH ay ginagawa nila ang land acquisition para sa right-of-way base sa orihinal na panukala mula sa Urdaneta City sa Pangasinan hanggang Rosario, lalawigan ng La Union.

Hiniling rin ng provincial board sa contractor na Private Infra Development Corporation (PIDC) na bilisan ang konstruksyon ng TPLEX.

Speak Your Mind

*