Pagtaas ng presyo ng gulay at rekado, pinangangambahan sa Disyembre

Posibleng tumaas din ang presyo ng gulay, rekado at prutas sa Disyembre bunsod ng nagdaang bagyong ‘Lando’ at El Niño Phenomenon.

Ayon kay Department of Agriculture Asec. Leandro Gazmin, sa ganitong season nasasagad ang stock ng sibuyas, bawang at kamatis lalo na’t sinalanta ng bagyo ang Isabela at Nueva Ecija kung saan nanggagaling ang mga produktong panrekado.

Samantala, pinangangambahang sisipa ng P7 kada kilo ang presyo ng baboy sa mga darating na araw.

Bunsod ito ng nakaambang pork holiday na ikinasa ng Swine Development Council (SWC) dahil sa pagkalugi umano ng mga ito sa patuloy na pagiging maluwag ng DA sa pagpasok ng mga imported na karne sa bansa.

Speak Your Mind

*