Pagtaas ng presyo ng isda sa Dagupan, pinangangambahan mararanasan hanggang kapaskuhan

Pinangangambahang magtutuloy-tuloy na ang pagtaas sa presyo ng isda sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan hanggang sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon sa ilang mga tindera, nanatiling mataas ang presyo ng bangus at tilapia dahil sa pinsalang natamo ng mga palaisdaan kung saan umapaw pa noong kasagsagan ng bagyong lando.

Sa ngayon, umabot na sa P20 ang itinaas ang presyo ng tilapia mula sa dating P70 kada kilo ngayon ay P90 kada kilo habang P5-P10 naman ang itinaas sa presyo ng bangus na ngayo’y mabibili na sa P85-P90 kada kilo ang maliliit at P90-P100 kada kilo ang malalaking bangus.

Samantala, ramdam na rin ang pagkunti ng suplay ng galunggong sa Dagupan matapos ianunsyo ng bfar na ipatutupad ang pag ban sa paghuli ng galunggong sa palawan upang bigyang daan ang pagpaparami nito.

Reklamo ng mga tinder, halos walang dumarating na bangkang nagdadala ng galunggong kayat pumalo na sa P40 kada kilo ang itinaas ng presyo kung saan mabibili na ito sa P120 kada kilo.

Speak Your Mind

*