Pagtaas ng presyo ng sibuyas, pinangangambahan

Pinangangambahan ngayon ng ilang mga traders at mga negosyante ang patuloy pang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa.

Itoy matapos na lumabas sa pagpupulong ng bureau of plant and industry ng Department of Agriculture, na nang manalasa ang bagyong lando sa Nueva Ecija at iba pang probinsya sa Luzon ay nasira ng tuluyan ang mga tanim na sibuyas.

Bago pa dumating ang bagyo nasa P40-50 ang kada kilogram ng sibuyas sa palengke, subalit ngayon maglalaro na ito sa P70-80 ang kada kilogram.

Ayon kay Lea Cruz, trader ng sibuyas, na tanging siya na lamang ang may hawak ng malaking supply o stocks ng sibuyas na nasa mahigit 1.2 milyong sako ng sibuyas na may kabuuang 31.2 milyong kilogram ng sibuyas..

Aniya, ang 31.2 milyong kilogram na sibuyas ay tatagal lamang sa merkado sa ikaltong linggo ng kasalukuyang buwan ng Nobyembre.

Speak Your Mind

*