Pagtapyas sa income tax, pwedeng ipasa kahit walang basbas ni PNoy

Iginiit ni House Appropriations Committee Member 1-BAP Partylist Representative Silvestre ‘Bebot’ Bello na may kapangyarihan ang kongreso na ipasa ang panukalang pagtapyas sa income tax.

Magugunitang nanindigan si Pangulong Benigno Aquino III na hindi pa umano napapanahon na ipasa ang nasabing panukalang batas.

Ayon kay Bello, kung seryoso ang kongreso ay may kapangyarihan silang ipasa ito kahit pa ayaw ng pangulo.

Dagdag pa ng kongresista, maaring hindi sundin ng Kongreso ang pag-veto ni Aquino.

Ani Bello, kailangang two-thirds ng kamara at senado ang hiwalay na bumoto pabor sa panukala para ito ay tuluyang maisabatas.

Speak Your Mind

*