Pagtatanim at paggamit ng marijuana, legal na sa Mexico

Isinabatas na ng korte suprema ng Mexico ang pagtatanim at paggamit ng marijuana bilang parte ng kanilang karapatan sa kalayaan.

Inaprubahan ng mga husgado ang panukala sa botong 4-1, na anila’y parte ng kanilang karapatan sa “free development of personality.”

Kaugnay nito, tanging inaprubahan lang ng korte ang mga indibidwal o grupo na gumagamit nito, samantalang ipinagbabawal pa rin ang pagbebenta at produksyon ng marijuana.

Ikinatuwa naman ng ilang mga mehikano na gumagamit ng marijuana para sa kanilang pangangailangang medikal ang nasabing desisyon ng korte.

Speak Your Mind

*