Pagtatayo ng karagdagang paliparan sa Luzon, ipinanukala

Ipinanukala ng House Committee on Transport ang pagkakaroon ng karagdagang mga paliparan para maresolba ang problema sa air traffic congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Committee Chairman Cesar Sarmiento na kanilang isinusulong na ikonsidera ang Clark International Airport sa Zambales at Sangley point sa Cavite para mabawasan ang problema sa air traffic sa naia.

Gayunman, aminado si Sarmiento na hindi agad-agad maitatayo ang mga alternatibong paliparan dahil sa mas marami pang pag-aaral ang kailangang isagawa.

Speak Your Mind

*