Pahuli ng Tamban, bawal na rin, presyo ng sardinas, walang pagtaas

Matapos ang pagbabawal sa paghuli ng galunggong sa karagatang sakop ng Palawan, ipagbabawal na rin muna ang panghuhuli ng isdang tamban sa Zamboanga Peninsula.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dir. Asis Perez, magsisimula ang fishing ban sa isdang tamban ngayong Disyembre at magtatagal hanggang Marso, 2016.

Paliwanag ni Asis, breeding season kasi ng naturang isda ang nasabing mga buwan kaya’t ipagbabawal muna nila sa mga commercial fishermen ang pang­huhuli nito sa Zamboanga Peninsula, ang itinuturing na breeding ground ng tamban.

Ang isdang tamban ang ginagawang sardinas pero kahit pa pansamantalang ipatitigil ang paghuli nito sa mga nabanggit na buwan ay wala raw umanong dapat ipangamba ang mamimili sa galaw ng presyo ng sardinas.

Speak Your Mind

*