Palasyo, naglabas ng traffic advisory kaugnay sa APEC Summit

Para maiwasan na maabala ang publiko, naglabas ng traffic advisory ang Malacanang kaugnay sa mga kalsadang isasara at mga tinukoy na APEC Lanes para sa nalalapit na Economic Leaders Meeting sa darating na Nobyermbre a-disi ocho at a-disi nwebe na gaganapin sa PICC.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, isasara sa mga motorista ang innermost lane ng parehong North at South Bound Lane ng Edsa para gamitin ng mga world leaders na darating sa bansa.

Gagamitin din bilang APEC Lane ang buong South Bound ng Roxas Boulevard habang gagawin two way lane ang North Bound ng roxas boulevard para sa mga motorista.

Para naman sa kaligtasan ng mga delegado ng Apec na darating sa bansa ay isasara sa motorista ang ilang kalsada sa palibot ng CCP Complex at MOA Arena.

Speak Your Mind

*