Pamilya ng mga nasawi sa bagyong Lando, makakatanggap ng pinansyal na ayuda

Bibigyan ng Pangasinan Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare And Development Office (PSWDO), ng pinansyal na tulong ang pamilya ng 13 nasawi at 17 nasugatan dahil sa bagyong Lando.

Mabibigyan din ng tulong ang aabot sa 5,350 indibidwal na nawasak  at  ang 48,091  na bahagyang nasira naman ang kanilang bahay.

Sa 44 na bayan at apat na siyudad sa Pangasinan ay 40 ang apektado at umabot sa mahigit 491,000 indibiwal ang apektado ng bagyong Lando.

Base sa report ng PSWDO, nitong Oktubre 28 ay kabuuang 25,300 relief packs na ang kanilang naibigay sa apektadong pamilya sa iba’t ibang siyudad at bayan.

Speak Your Mind

*