Pangasinan-PESO, ibinahagi ang nakamit na National Hall of Fame Award

Pormal na ipi-nresente at ibinahagi ni Pangasinan Provincial Employment Service Office (PESO) kay Gov. Amado Espino Jr. ang pagtanggap ng probinsya ng parangal bilang National Best PESO – Hall of Fame Awardee.

Sa naganap na flag raising ceremony ng mga empleyado ng Provincial Government kahapon ay nagpasalamat si PESO Manager Alex Ferrer kay Gov. Espino sa tulong ng probinsya para makamit ng kanyang opisina ang parangal.

Una ng tinanggap ni Ferrer ang PESO-Pangasinan ang National Best PESO Award para sa first class province category sa naganap na awards night sa 2015 National PESO Congress sa Philippine International Convention Center o PICC sa Pasay City.

Ang Pangasinan PESO ay naitatag noong 1992, at sa pagdaan ng maraming taon ay nagsilbi itong pangunahing opisina ng probinsya sa paglikha ng mas magandang trabaho at mapagkakakitaan.

Katuwang naman ito ng DOLE sa pagpapatupad ng iba’t ibang program at serbisyo tulad ng paghahanap ng trabaho para sa mga pangasinenses, pagsasagawa ng labor market information at skills registry system.

Ang pagkakamit ng Hall of Fame Award ng PESO ay pagpapakita na ito ay tumatalima sa bisyon ng administrasyong espino na gawin ang lalawigan ng Pangasinan na the Best Place to Invest, Work, Live and Raise a Family.

Speak Your Mind

*