Pangasinan, kinilalang Best National Statistics Month Province Implementer

Muling pinarangalan ang lalawigan ng Pangasinan bilang Best National Statistics Month (NSM) Province Implementer sa rehiyon uno.

Ang Pangasinan, sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Amado Espino Jr. ay Hall of Famer na sa nabanggit na parangal noong 2011.

Natalo ng Pangasinan ang tatlo pang ibang probinsya sa rehiyon uno at nakamit ang titulo sa loob ng tatlong sunod na taon, mula 2008 hanggang 2010.

Bilang Hall of Famer ay hindi pa sumali ang Pangasinan sa nasabing patimpalak mula 2011 hanggang 2013 para bigyan naman ng pagkakataon ang ibang probinsya na manalo.

Muling nakamit ng probinsya ang nasabing parangal noong nakaraang taon at muli ngayong taon.

Sa naganap na NSM Provincial Closing Ceremony noong biyernes ay ipinresenta naman ni Provincial Planning and Development Officer Benita Pizarro kay Gov. Espino ang NSM Regional Award, na iginawad naman sa probinsya sa naganap na Regional NSM Culminating Activity sa Bangko Sentral ng Pilipinas Regional Office sa La Union.

Nagpasalamat naman si Espino sa tulong ng iba’t ibang sektor para muling makamit ng probinsya ang titulong Region’s Best NSM Province.

Speak Your Mind

*