Pangatlong pinakamatinding tagtuyot sa kasaysayan, naitala sa Australia

NAITALA ng Australian Bureau of Meteorology ang pangatlong pinakamatinding tagtuyot sa kasaysayan ang nararanasan ngayong taon sa Pacific Ocean.

Ayon sa ahensiya, ang pinakahuling El Niño Weather Pattern ng temperatura sa ibabaw ng karagatan sa Eastern at Central Pacific ay ang pinakamataas ngayong buwan mula nang ideklara ang el niño.

Mararanasan daw ito hanggang sa katapusan ng taon at bahagyang maiibsan sa unang quarter ng 2016.

Dahil sa nararanasang tagtuyot sa nasabing bansa, magbibigay na ang kanilang pamahalaan ng 9 million-Australian-dollar aid package para sa seed stock, water sanitation.

Gagamitin din ang pondo para pag-aralan ang epekto ng El Niño sa water resources, vegetation at pananim.

Speak Your Mind

*