Pangunguna ni Mayor Duterte sa pinakahuling survey , hindi na ikinagulat

Hindi na ikinagulat ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pangunguna nito sa pinakahuling presidential survey na ginawa ng Pulse Asia sa Metro Manila.

Ayon kay Atty. Salvador Panelo, ang abogado ni Duterte, na inaasahan na nilang magkakaroon ng mataas na rating ang alkalde sa anumang survey matapos itong pormal na magdeklara  ng  pagtakbo sa pagka-pangulo.

Patunay lamang aniya nito na “game changer’ si Duterte sa 2016 presidential elections.

Nakakuha si Duterte ng rating na 34 percent, pumangalawa naman si Senador Grace Poe-Llamanzares sa rating na 26 percent  at  sinundan ni Vice-President Jejomar Binay na nakakuha ng 21 percent at  dating senador at DILG Secretary Mar Roxas na may 11 percent.

Speak Your Mind

*