Pangungutang ng mga Pinoy, lumalala dahil sa kagutuman at kahirapan

Bigo umano ang mga programa ng gobyerno para maibsan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.

Ito ang iginiit ni Isabela De Basilan Bishop Martin Jumoad na nagresulta aniya ng paglala ng pangungutang ng mga Pilipino dahil sa kawalan ng trabaho, mapagkakakitaan at kagutuman.

Ayon sa Obispo, dahil sa kawalan ng alternatibo upang maibsan ang kagutuman ng maraming pilipino pati pautangan ay pinapatulan na rin ng mga ito.

Nakikita rin ng obispo na kulang pa rin ang trabaho at programa ng pamahalaan para sa mga mahihirap.

Sa pag-aaral ng World Food Program (WFP) mula August 16 hanggang September 5, 2015 sa mga mahihirap na probinsya sa Pilipinas, lumalabas na 62 percent ng mga kabahayan ang nagungutang.

Naitala naman ang Sulu na may mataas na porsyento o bilang ng mga nangungutang na umaabot sa mahigit 94 percent.

Speak Your Mind

*