Panukalang pagbawalan makabuto ang mga nakadetineng mambabatas, kinontra

Kinontra ng isang Election Law Expert ang hirit ng isang abogado na huwag bumoto ang mga nakadetineng mambabatas sa susunod na eleksyon.

Ayon kay De la Salle University College of Law Vice Dean Attorney Butch Jamon, hindi maaaring pagkaitan ng karapatang bumoto ang isang nakadetineng mambabatas hangga’t hindi ito nako-convict sa kinakaharap na kaso.

Sa petisyong inihain ni Attorney victor Aguinaldo, iginiit nitong unconstitutional ang Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 9371 o ang “Rules and Regulations of Detainee Registration and Voting.”

Sa ilalim ng nasabing Comelec Resolution ay maaaring magkaroon ng special polling place sa loob ng kulungan o ‘di kaya’y escorted voting ang isang rehistradong detainee.

Speak Your Mind

*