Paolo Contis at LJ Reyes, nagkaka-mabutihan na

Inamin ni Paolo Contis na nagkakamabutihan na nga sila nang aktres na si LJ Reyes.

Ayon kay Paolo, masaya siya ngayon dahil si LJ ang lagi niyang nakakasama.

Nagkakasundo umano sila sa maraming bagay lalo na at laging silang magkasama sa worship service tuwing araw nang linggo.

Sinabi pa ni Paolo, na malaking tulong sa kanilang relasyon ngayon ni LJ ang pagkakaroon nila nang anak sa kanilang mga nakaraang relasyon.

Naiintindihan umano niya si LJ na may isang anak kay Paulo Avelino, samantalang siya naman ay may dalawang anak sa dating EB Babes dancer na si Lian Paz.

Ang pagkakaiba nga lang ay kasal si Paolo kay Lian na wala pang pinal na desisyon sa kanilang annulment case.

Speak Your Mind

*