Paris, Italy at Vatican, bibisitahin ng Pangulong Aquino sa susunod na linggo

Biyaheng Europe ang Pangulong Noynoy Aquino ngayong linggo upang daluhan ang 21st Conference of Paris (COP21) ng United Nations kasabay ng working visit din nito sa Italy at Vatican.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Cleofe Trinidad, layunin ng pagbiyahe ng Pangulong Aquino ay upang mapalakas at mapalalim pa nito ang diplomatic relations ng Pilipinas sa mga bansang kaniyang bibisitahin.

Maliban sa pagdalo sa COP21 ay inaasahan din ang pakikipagpulongng pangulong Aquino sa Filipino Community sa Italy at pagbisita na rin kay Pope Francis.

Aalis ang Pangulong Aquino patungong Paris ngayong linggo November 29 at babalik sa Pilipinas sa December 5.

 

Speak Your Mind

*