Paulo Avelino, balik-teleserye na sa On The Wings Of Love

Pasok na ang actor na si Paulo Avelino sa “On The Wings Of Love” bilang si Simon Esguerra na magiging kaagaw ni James Reid kay Nadine Lustre.

Hindi lang si Clark ang may Angela na pinagseselosan ni Leah, dahil may Simon naman si Leah na pagseselosan ni Clark Walang regular show si Paulo dahil pagkatapos ng Bridges Of Love nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador ay nabakante na siya.

Huling napanood si Paulo sa Bridges Of Love kasaman sina Jericho Rosales at Maja Salvador at sa pelikulang “Heneral Luna”.

Una na nang inihayag ni Paulo na magpapahinga muna siya sa serye dahil magsu-shooting siya ng pelikulang Gregorio del Pilar mula sa Artikulo Uno Productions.

Speak Your Mind

*