Philippine Azkals, laglag na sa 2015 FIFA World Cup Qaulifiers

Tuluyan nang napatalsik sa kontensiyon ang Philippine Azkals makaraang umiskor ng magkahiwalay na panalo ang North Korea at Uzbekistan sa kanilang agawan sa liderato sa Group H noong Martes ng gabi sa 2015 FIFA World Cup Qaulifiers.

Hiniya ng North Koreans ang Bahrain, 2-0 para mapanatiling hawak ang liderato taglay ang 16 puntos sa Kim II Sung stadium sa Pyongyang.

Kinana nina  Pak Kwang Ryong at Jong II-Gwan  ang nasabing puntos para pamunuan ang Chollima sa ikalimang panalo matapos ang isang draw at isang kabiguan.

Samantala, katunggali ng Azkals ang Bahrain na may 6 puntos sa No. 3 slot sa Group H na maggagarantiya ng tiker sa third round ng AFC Asian Cup Qualifiers.

Speak Your Mind

*