Philpost, maglalabas ng special stamps para 2015 APEC Summit

Bilang pagkilala sa gagawing paghost ng Pilipinas sa APEC Leaders Meeting, maglalabas simula ngayong araw ng APEC 2015 special stamp ang Philpost.

Sa abiso ng Philpost, aabot sa higit 100 libo na mga kopya ng APEC stamp ang ipina imprenta na mabibili ng 30 pesos kada isa.

Dinisenyo ng creative artist na si Rodine Teodoro ang nabanggit na APEC 2015 special stamps na pangunahin nakalimbag ang APEC logo na may temang ‘Building Inclusive Economies, Building A Better World’

Magiging available ang nabanggit na APEC stamps hanggang Nobyembre susunod na taon 2016.

Ang Asia Pacific Economic Cooperation ay naitatag noong Nobyembre 1989 kung saan isa ang Pilipinas sa mga pioneer member economy, na naglalayon na isulong ang pagpapalago ng ekonomiya sa mga miembro sa Asia Pacific Region.

Speak Your Mind

*