Pilipinas, handang-handa na para pangunahan ang ika-23 APEC Summit

Tiniyak ng APEC Organizing Committee na handang–handa na ang bansa para pangunahan ang 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa susunod na linggo.

Sinabi ni APEC National Organizing Council Director General Marciano Paynor Junior, na halos 97 porsiyentong tapos na ang kanilang paghahanda.

Magiging highlight aniya sa naturang okasyon ang Filipino talent at Filipino hospitality.

Pinaalalahanan naman ni Paynor ang mga motorista na maaapektuhan ng summit na alamin ang mga alternatibong daan para hindi maabala lalo na ngayong isinasagawa ang mga dry run sa mga dadaanan ng APEC Leader tulad ng Edsa at Roxas Boulevard.

Target ng komite na magkaroon lang ng labindalawa hanggang labing anim na minutong travel time ang mga delegado mula Edsa patungong PICC kung saan gaganapin ang APEC Leaders Meeting.

Speak Your Mind

*