Pilipinas, kampanteng makukuha ang hosting ng FIBA Olympic Qualifying

Kumpiyansa ang grupo ng Gilas Pilipinas na makuha ang hosting ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa susunod na taon.

Ayon kay L-A Tenorio, malaki ang posibilidad na makuha ng pilipinas na mag-host sa FIBA Olympic Qualifying dahil nag-inspection na ang FIBA sa bansa nitong nakaraang linggo.

Kaugnay nito, nakatakda namang tumulak patungong Switzerland ang Samahang Basketball nang Pilipinas para magprisinta ng bidding kaugnay sa hosting ng FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Samantala, natuwa naman si Gilas Pilpinas Coach Tab Baldwin dahil complete attendance ang 17-man na bumubuo sa gilas pool sa unang araw ng training para sa paghahanda sa olympic qualifier na gaganapin sa susunod na taon.

Speak Your Mind

*