Pinakamatandang high school sa bansa, nasunog sa Tarlac

Nilamon kamakailan ang pinakamatandang high school sa bansa, na pinagmulang paaralan ni dating United Nations General Assembly President, General Carlos P. romulo, sa barangay San Vicente, Tarlac City.

Itinayo ang 113-anyos na Tarlac National High School matapos ang pananakop ng mga Amerikano, at ang unang principal nito ay si Frank Russel White, Deputy Division Superintendent sa Tarlac.

Sa ulat kay Tarlac City Police Chief, Supt. Felix Verbo, Jr., nagsasagawa ng seminar ang ilang guro sa social hall nang biglang magliyab sa room 12 at nag-panic ang karamihan sa participants at nag-unahang lumabas ng gusali.

Wala namang iniulat na nasaktan o nagkaroon ng nakawan sa sunog.

Nasa 15,000 ang nag-aaral sa nabanggit na eskuwelahan.

Speak Your Mind

*