Pinay group na 4th Impact, pasok sa top 11 ng X Factor UK

Tuluy-tuloy pa rin ang pamamayagpag ng pinay group “4th Impact” sa British Reality Talent Show “X Factor UK.

Ito’y matapos makapasok sa top 11 ng kompetisyon na kinanta ang “Problem” ni Ariana Grande sa kanilang unang live performance.

Natanggal sa kompetisyon si Bupsi Brown mula sa over 25 catergory dahil siya ang may pinakamababang boto.

Nagpaalam na rin ang girl group na Alien Uncovered (group category) matapos ang kanilang sing-off ng Kiera Weathers.

Binubuo ang 4th Impact (dating 4th power) nina Mylene, Celina, Irene at Almira Cercado.

Speak Your Mind

*