Plano ng Pangasinan PNP para sa christmas season, plantsado na

Handa na ang pangasinan police sa pagdating ng christmas season.

Ayon kay Senior Supt. Rolie Saltat, ang OIC Provincial Director ng Provincial Police Office (PPO), plantsado na ang aktibidad ng kapulisan sa kapaskuhan.

Sinabi ni Saltat na mayroon pa ring mga magaganap na kumperensya kaugnay ng christmas season para maplantsang maigi ang mga plano.

Dagdag ng OIC PD na kahit kulang ang manpower ng Pangasinan police ay gagawin pa rin nila ang nararapat para makamit ang katahimikan at kapayapaan sa lalawigan.

Hiling naman nito sa mamamayan na huwag magsawa at patuloy na tumulong sa kampanya ng kapulisan para makamit ang hangad na katahimikan.

Speak Your Mind

*