Planong pagnanakaw sa isang paaralan sa bayan ng San Fabian, nabigo

Hindi nagtagumpay ang isang binatilyo sa kanyang pagnanakaw umano sa East Central Elementary School sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ayon kay Police Chief Inspector Crisante Sadino, ang hepe ng San Fabian naaktuhan umano ng security guard ang suspek sa kantina ng paaralan, na matatagpuan sa Caballero Street, Poblacion.

Nakuha sa suspek na nakakulong na ngayon sa San Fabian Police Station ang sampung piraso ng three-in-one sachet ng kape at apat na cup noodles.

Sinabi ni Sadino na robbery ang kaso ng suspek dahil dumaan ito sa kisame ng kantina.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na pinasok ang nabanggit na paaralan.

Speak Your Mind

*