Planong pork holiday ng mga hog raiser, suportado ng DA

Suportado ng Department of Agriculture (D-A) ang planong pork holiday ng mga negosyante dahil sa talamak na smuggling sa bansa.

Ayon kay D-A Undersecretary for Livestock Operations Jose Reano, maganda ang nasabing hakbang upang maipaalam din sa publiko na hindi dapat nila tangkilikin ang mga smuggled at imported na karne.

Muli rin nitong hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na karne dahil sapat ang suplay nito sa bansa.

Nanawagan din si Reano sa mga lokal na pamahalaan na i-monitor at kontrolin ang mga imported na karne para na rin sa kapakanan ng mga lokal na negosyante.

Nabatid na nakatakdang magpulong ngayong lunes ang grupo ng mga negosyante sa pangunguna ng samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) para sa gagawing nationwide pork holiday.

Speak Your Mind

*