Planong umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno, minaliit lang

Minaliit ng grupo ng manggagawa ang planong umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.

Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, kulang pa rin ang sinasabing umento laban sa mataas na presyo ng bilihin sa bansa.

Sa ilalim kasi ng Salary Standardization Law, ang kasalukuyang minimum na sweldo ng isang oridnaryong kawani ng gobiyerno na 9,000-pesos ay itataas hanggang 11,068 pesos sa susunod na apat na taon.

Samantalang ang sweldo nang susunod na Pangulo ay madadagdagan mula sa 120,000-pesos ay magiging 399,733-pesos kung maisasabatas ang panukalang dagdag sahod sa mga kawani ng gobyerno.

Speak Your Mind

*