PNOY, malamig sa mga panawagang sibakin na sa puwesto si Honrado

Pinulong na ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga opisyal ng  Department of Transportation and Communications (DOTC) para imbestigahan ang mga alegasyon ng “tanim bala” scam sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Inatasan na ng pangulo si DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na maglagay ng karagdagang CCTV cameras sa NAIA Terminals kung saan ang pinakahuling nakitaan ng bala ng baril sa loob ng bag ang animnaput limang taong gulang na si Nimfa Fontanillas nitong linggo.

Kinukumbinsi naman ng ilang mambabatas si Pangulong Aquino na alisin sa puwesto si MIAA General Manager Jose Angel Honrado dahil sa patuloy na pagdami ng mga biktima ng tanim bala sa naia.

Subalit waring malamig ang pangulo sa mga panawagang sibakin sa puwesto si Honrado.

Ayon naman sa pamunuan nang MIAA, makabubuting tutukan ang imbestigasyon at pagtanggal sa mga taong direktang sangkot dito.

Sinabi ni MIAA Spokesperson Dave de Castro na iniimbestigahan na rin ngayon ng MIAA ang nasa 40 tauhan ng office of transportation security na nahaharap sa ibat ibang reklamo.

Speak Your Mind

*